Bilib na talaga ako ke pareng Bart, hindi lang Hagibis mas mabilis pa sa fedex! Biruin mo nahanap kaagad si Medel!! O baka naman nagiinit na sya dahil panay ang gisa! I got a call this afternoon at hanep and boses, di ko nakilala. Ang sabi "Hello, can I speak to Gwen" with kano accent! pero di maitago and pinoy twang! ha ha ha. Yun pala hatid ang numero ng aking dating twithart!! ha ha ha. Sabi sakin e wag daw ako tatawag sa bahay, cellphone lang daw dahil kilala daw ang pangalang Gwennn! Naku, binigyan ako ng idea! Ngayon alam ko na kung anong oras ako tatawag ke Medel, pag andon si Karina!!!! ha ha ha. So, in short sabi ni pareng Bart e tawagan ko na daw so tinawagan ko today.
Ring! ring! Hello can I speak to Medel, with my titillating voice :). At and sabi, who is this? Sabi ko "my goodness, I cant believe you forgot about me!! Its only 20+ yrs ago ang bilis mo namang makalimot e ako nga e di parin kita nalilimutan! ha ha ha! ATTT di parin matandaan!!! Sabi ko matagal ko na syang pinaghahanap! ATTT di parin matandaan!! Pag di ko pa sinabi pangalan ko, di pa ako natandaan! Hindi ata mabagsik ang kamandag ko!! Walang impact!! haha. So ayun! Sa totoo lang di ko alam nangyari samin ni Medel eh! Ano ba talaga Medel? At sabi pa madalas daw akong dalawin sa CLSU e ang natatandaan ko lang e minsan hano!!! At dun lang ako dinala sa Arboretum ng CLSU, mapuno at madilim. I think kaya ata wala akong matandaan e walang nangyari!!! Mabilis pa yung paru-paru na dumapo sa pisngi ko eh!
Sa totoo lang e me crush nako ke Medel nung 1st year high school baga. Nung sya consorte ko. Ang kyut-kyut ni Medel non e! Ewan ko na ngayon!. Kaya lang tsikero din to e! Alam ko marami tsiks sa Cabanatuan. Ang natatandaan ko e mag-un lang ata kami for few months tapos nakilala ko na yung kambal! Sajoy, natatandaan mo ba si Avensus, naku yun ang naging long distance BF ko after medel ata o before! Ano ba talaga medel? O pinagsabay ko ba kayo? ha ha ha. Makakalimutin na ata ako e! Kasi ang natatandaan ko ke medel e mabagal, so na-bored ako! ha ha ha! Di katulad ni Pareng Bart, daig pa nga si Hagibis, kayang-kaya yung tatlo sabay sabay! Talo pa Viagra!!! ha ha ha. At itong si Medel, kaya ata mabagal e pagdating sakin e pagod na!!! ha ha ha. Ay Medel!! natatandaan ko na ang first kiss (sa pisngi lang po mga kapatid) nung nanood tayo ng Porky's sa Cabanatuan! Pero di ko matandaan kung saan tayo nagpunta after non! palagay ko wala paring nangyari kaya di ko matandaan!!
In short, tsikero din kasi itong si Medel kaya hindi nabuo ang aming love story!! Medel, minsan mo lang ako binisita sa CLSU ano! Wala ka pa ngang dalang bulaklak e! hmp! Saka puro lang imagine baga ako, kaya tuloy dun ako napunta ke Avensus. !! ha ha ha.
At nung tumawag ako ke Medel e matagal naman kaming nagusap, tapos after awhile narining ko sa background yung mga bata, so sabi agad ni Medel "Andyan na Misis ko!" ha ha ha. Okidokie, sa susunod uli. Sayang Medel 8 yrs ako na full time sa Manhattan, di tayo nagkita! Pero kung nagkita tayo e baka nabulabog ang buhay mo! Sige tawagan kita pag punta ko uli NYC, Andyan ako at least once a month. :). Dont worry, sabihin mo Karina she doesn't have to worry about anything. Mabait ako pag tulog!
O, candids ikaw naman! Nasan ka na ba!!! Pero and matindi, wala ako ka-alam alam na si Bart at Celle pala me nakaraan????? Ngayon ko lang narinig yan, sa totoo lang! Pareng Bart, e bat ako di mo niligawan!! Inggit na tuloy ako kasi parang lahat sila dinigahan mo, ako lang ata hindi! ha ha ha...