Friday, June 09, 2006

In the HOT seat!!!

First of all, I hope your kids are getting better Elmer. While your kids started their schools our are having their vacation. Yan ang pinakamahirap sa mga nanay dito sa US or Canada especially if you are working. Maricor is a full time home mom kaya lalong mas mahirap para sa kanya..full time silang magkakasama kaya pag-uwi ko she is very exhausted na. Ang mga bata ngayon di tulad natin, noon basta may holen ka lang o kaya rubber band pwede ng malibang. Pwede ring makipag-shatong sa mga kapitbahay, harangan taga sa hapon at taguan pong sa gabi. Ngayon, meron na ngang nintendo, gameboy, playstation, TV, computer, bike, o kaya skateboard and inline skates...at naririnig ko pa nabo-bored daw sila. Yung panganay kong si Antonio kinukulit pa ako sa membership daw nung game sa internet na "rune scape" ba yun. Ayaw pang pumayag na 2 months subcription..kaya sabi ko two months or never at all. Anyway...ito ang sentimiento ng isang AMA.

Well, mga kakabasat...di po ako tumatahimik...hindi ko matiis na di mag-post kasi tuwing umaga nagbabasa ako ng blog..I'm glad everybody is posting. Ngayon nga nasa office na ako so I decided na sagutin ang "bring it on" ni Candids at ang PUNO ni mareng Celle. Well, sa totoo lang Celle di ko na rin matandaan kung may PUNO nga o tindahan yung malapit sa palengke papunta kina SaJoy, pero my point was...legitimate yung mag-UN natin..jajajaja. Aminado ako na-tyope ako. First time kasi eh kaya di ko pa alam ang gagawin..jajajaja (sabay tawa). Kasi pangalawa mo na yata yun eh....nagkaroon ka kasi ng "Bayani" sa buhay mo (jajaja tawa ulit). Hindi na kita ginigisa "Friend"...pero did you really hope na naging aggressive ako??...(sabay tawa ulit). ANO BA YAN...j/k. Akala ko you are on my side kaya panay ang hingi ko ng saklolo kasi "Friend" nga tayo...tapos bigla mo naman akong nilaglag.

Hey Candid, kaya ba di mo pinansin ang brother in-law ko en dahil mas magandang lalaki ako sa kanya. (HOY Arnel ang kapal mo ha!). hahahaha. O obvious na disappointed ka dahil "good boy" na ako at inamin ko na civil wed na ako noon?
Maliit nga ang mundo, akalain ba nating muntik na kaming magkita ni Celle sa UK at ikaw naman pagkatapos sa Saudi ngayon you are just "18 hrs" away. Hmmn sabi nga ni Maricor bisitahin ka raw namin dyan pag-punta namin sa Orlando... What do you think? Naku malaking intriga yan...

SaJoy, hanga naman ako sa iyo talagang all praises ka kay Giov. Yan kasi ang very important ingredients ng matatag na pagsasama.. Kaya nga siguro kayo ang nagkatuluyan...matatag. Saka halata naman si Giov eh very masunurin.. Kaya hanggang ngayon sinusuyo ka pa rin ng kanyang masasarap na recipe. O baka naman talagang full pledge Canadian na yan. Kaya pag weekend...Giov...magluto Cana-dian..maglinis Cana-dian..etc. Don't wory Giov...hindi ka nag-iisa.

At si RyJoy biglang nagsusumamo...wag na raw siyang intrigahin pa. Buti na lang wala akong alam. Sabagay muntik na tayong naging mag bilas..jajajaja. Riot siguro sa family gathering kung natuloy...jajajaja. Sabi nga ni Celle.. "makukumare..magkukumpare..connect-connect..ang saya saya".

Gwen..I promised Medel na ibibigay ko lang yung cel niya sa iyo pero I warn you na huwag mong tatawagan.. di na talaga nakatiis ano.. sabagay ilang taon din nating hinahanap si Medel, nandyan lang pala sa tabi-tabi. At di ko rin Alam na mag-UN pala kayo noon, kasi yung kambal nga nag nakikita kong kasama ni Medel sa CLPC....Ooops..sori Medel nadulas yata ako. jajajaja. Ang alam ko lang Gwen ay talagang mula nung HS eh talagang sine-seduce mo na yang si Medel. May dahilan talagang matakot si Medel at mag-alala si Karina. Pero do you know that Medel and I have lot of things in common... pareho kaming tyope (noon) pero we both like "Maria" and we both have "twins". Did you know that his wife and my wife name is Maria. I think the kambal's from CLPC is Maria too. Ang malaking pag-kakaiba lang namin nin Medel...mas magandang lalaki siya kaysa sa akin (isang paligo lang naman..) Saka sasagutin ko yung tanong mong kung bakit di kita dinigahan.... kasi di kita type...jajajajajaja. Well, sa totoo lang... concentrated ako sa pag-aaral kaya di kita napansin... jajajaja (tawa ulit). Saka ang tingin ko kasi eye level...kaya di siguro kita nakita. Pero ngayon...I look from head to toe kaya nakikita ko na lahat.
Joke..joke joke lang...wag kang magagalit..ang mainis ay pangit.

Grace...anong balita na sa inyo riyan sa NZ. Regards sa family mo riyan.

O sige hanggang sa muli.. Have a great weekend everyone.

Arnel B.
Houston, TX 9:30AM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home