Wednesday, June 28, 2006

tahimik na naman ah!!

Dear kakabsat,

Yang mga pictures na yan ang wala sa states...hehehe..

Bago ko malimutan, nandito nga pala si Celle sa pinas, di nya sinabi na uuwi sya i thought na gusto lang nya ako isurprise yon pala akala nya naitext nya sa akin na uuwi sya..it turned out si Pareng Bart pala ang nasabihan nya..hehehe kabaw na naman to.. We met in a restaurant na lang before sila umuwi sa Santa Rosa..di ko nakita ang mga kids kase nagpapahinga..Si Pareng Obet sabik na sabik Kay SAN MIGUEL kaya inuman agad sila ni Rodney while kami naman ni Celle nandon at tawa ng tawa about sa mga postings sa BLOG natin. Aliw na aliw kami sa mga blog ni CANDY..kakaiba din ang memory retention nito eh..parang di nanganak ng 3 beses.Naisip ko tuloy baka mabasa ni Maricor at tuluyan ng mapikon..hehehe..Pare Bart secret natin to ha...wag mo ibigay ang password ng blog natin..but if ever naibigay mo na ..ay sorry na lang we dont mean any harm.....after all HARMLESS ka naman di ba? and what is there to worry eh sabi mo nga mabait ka na ngayon..Si rodney at si obet di namin pinababasa sa blog at baka may maikwento kami na di pa nila alam..mabuking kami ni Celle..hahahaha..si Obet nga inggit na inggit kase wala na rin daw sya contact sa mga classmates nya eh..ganun talaga pag tumatanda na ang tao humahanap na ng makakakwentuhan..hehehe..Kaya nga isa pa daw secret ng lasting marriage is that you should find someone that you can always talk to kase pagtanda nyo kayong dalawa na lang ulit at dapat you still enjoy talking to each other..I am also glad that we have all found each other kase masarap nga naman gunitain ang mga alaala ng nakaraan...ang dami tul0y natin what ifs..Gwen I guess, di talaga mangyayari na maburo ka lang sa Rizal kahit na kayo ni Medel ang nagkatuluyan..ikaw pa???eh sosyalera ka...di pang RIZAL ang beauty mo.. ...curious lang ako kaya ba LYAm ang name ng baby mo dahil kamukha ni LIAM Neeson si PAPA??medyo hawig eh...ewan ko lang kung dahil sa 40 na ako eh malabo na rin ang mata ko..

As i previously said kaya ako umuwi dahil meron kami binabalak ng Ninang Lita ko na Project.pero di ko pala nabanggit na ang project na yon is the rehabilitation of the Town Plaza..I have asked my friend na master planner to do the plan..kaya pag naayos na namin..pinapauna ko na I will ask for some donations para naman gumanda...ang pangit na kase talaga ng plaza..mas maganda pa nong malilit tayo na may mga terraces pa...Alm nyo ba pinahukay pala ni Mayor Lapuz noon term nya kase nga may ginto daw at nong mahukay na di naman ibinalik sa dati kaya ayun mukhang na RAPE na Plaza..My Ninang volunteered she will take care of the fund raising while I will be responsible for the plans..Tapos nong Sunday naman meron na pala sila naplano na picnic doon sa Dupinga River,kaya GO kami...kasama namin pati ang mayor OLIE placido, principal, konsehal,presidente ng Mr. & Mrs Club..at kung sinu sino pa..masaya!!nag enjoy ang mga kids ko..malinaw ang tubig..sabi ng nanay ko we used to go here nong bata pa kami pero di ko na rin matandaan..

Ang haba na naman nito..til next post mga kapatid


ryjoy lang naman

0 Comments:

Post a Comment

<< Home