Wednesday, July 26, 2006

ako uli

o.k. lang yun pareng Bart... at least alam mo na ngayon ang aming anniversary ni ryJoy. Puro kami July kaya pareho din kami na tig-3 ang mga chikiting. Pati mga mister namin pareparehong may asthma (askma... as in ask my wife hehehe)... ganun lang nila kami ka-love di ba ryJoy and saJoy? Love, respect and contentment yun ang importante & Christ-centered family... perfect!!
Maganda nga yung plano for Rizal Plaza... sana wag namang pugaran ng mga drug addicts yun pag natapos kasi sayang di ba. Ang naaalala ko dun eh yun pag fiesta yun contest ng folk dance from different barangays... tapos may mga booths din.. bakit kaya wala ng ganung mga contest... di na kasi uso ang phono at 45 na plaka at di na nagkainteres isalin pa sa CD yung mga folk songs like "Itik-Itik", "Pandango sa Ilaw" at "Sayaw sa Bangko"... kasaya noon! Ang pumalit na eh reggae, o di ba posh! Hay naku... sana makauwi kami na fiesta sa Rizal... manonood ako talaga ng Mr & Mrs... kakamiss yun!

celle

0 Comments:

Post a Comment

<< Home